Story of Us - CHAPTER 7
(Jervin’s POV)
“What’s taking her so long?!”
“At kelan ka pa nag-english, ha miss Villena?!” kontra ni Chealsea.
“Saglit nga, nagpapaganda pa ata e.” umakyat ako at sinilip yung classroom ng Aristotle. Aba! Nandun nga ang loka. Naka-
Tulala?
Tinopak nanaman?! Teka…
Bakit namumula siya? Wow ha.
Umusog ako ng kaunti sa kanan ng platform para makita kung anong tititignan este tinititigan niya.
Si…. Christian?
Nakanaxx naman! At nakatitig din sakanya tong si Dee, huh? Nice!
Okay. Baka matunaw na sila. Cue ko na para umeksena. Ako na KJ.
“Hoy! Matunaw yan! Baka di ka makaconcentrate niayn mamay ha!”
“H-ha? Ah g@go! Sshh! Halika na nga! Ingay neto!” sabay kaladkad sakin papunta sa corridor. Ano kayang nangyari dito? Rape sa titigan? HAHAHA! Habang hila-hila niya ako pababa sa hagdanan ramdam ko yung lamig tsaka pawis sa kamay ni Trisha. Nagyon lang to nagkaganito hah. Hm. Tsaka si Christian. Iba yung tameme-ako-face niya e. Di kaya totoo yung ano?
*flashback*
Vacant. Wala si Sir Salvador kaya walang Math. Oyeah.
Bumaba kami ng tropa sa bldg namin at saka naman umakyat papunta sa kabilang bldg (S4-S6)
para manghiram ng glass slide. Lechugas kasi tong teacher namin e. Di bumili. -__-
Sakto pagtapak namin sa 2nd floor nandoon sila Christian. Medyo close naman kami nun e, pakapalan nalang ng mukha!
“Chris! May glass slide ba kayo jan?”
“Ha? Wala namang pinapadala sa aming ganyan ah!”
Ay gago. Oo nga pala. Magkaiba kami ng teacher sa chem. HHAHA!
“Siya nga pala, kamusta si Trisha?”
Ako lang ba to o yung tenga kong lugain? tama ba ang pagkakarinig ko? Trisha? Homaygad.
HOMAYGAD?! Nababading na ako ah! Nkakahawa sila Chealsea kasama -_-
“A-ah? o-okay naman. Bat mo natangong? Yie kaw ha!”
“Nagpaplano kasi tong si Christian kung paano popormahan yung Trisha. Diba?”
“G@go.”
“HAHAH! Totoo naman e!” singit ng isa nyang kaibigan.
“Ah ganun? Hanep pre! Boto ako sayo! Ingatan mo si Trisha ha! Madaming heneral na raratrat sayo!” biro ko.
“Onaman. Tsk! Ako pa!”
Oh? Di siya tumanggi? Di niya ako minura? Edi tama nga? May feelinhgs siya para kay Trisha?
“Ge una na ako! Salamat pre!”
Putcha. Lagot kami sa Chem nito! Walang mahiraman! Tss.
*end of flashback*
Wag niyo nang tanunhgin kung anong nangyari matapos nun. Siyempre! Walang grade. tsk. Back to the topic. Tama ba tong hinala ko? May gusto si Dee kay Sa Pedro? Woah woah woah. Ayos!
Ay! Tae! Nakalimutan kong ikwento kay Trisha. Siguradong matutuwa yun :D
(Source: kamukhamosikingkong)