Ano pong gagawin ko, kapag may gustong manligaw sa akin, i mean, nanliligaw na. pero hindi ko naman po gusto. The problem is, sa mismong parents ko sya lumalapit. kahit na sinabi ko na sakanya na ayaw ko sa kanya, at may iba akong gusto, tuloy lang sya kahit nakakairita na. Yung umaasta shang kayo na. At hindi sya natatakot na gawin yon dahil sa magulang mo. :'(( Help naman po.

Woah! Ang kapal naman ng apog niyang lalaking yan! HAHAHA! Jk lang. Sa tingin ko po kailangan niyong ipa-intindi sa kanya na hindi talaga kayo para sa isa’t isa. Kausapin niyo po yung magulang niyo kung ano pong gusto niyong mangyari, tsaka kung kaya niyo po, kausapin niyo rin po yung magulang nung lalaki. Sabihin niyo po yung totoong nararamdaman niyo towards their son. Or sabihin niyo po may bf na kayo. Pasensiya na po kung medyo maduy. Sorry talaga.