Maligo ka na.
Shane | Enero 19 | Manila
Hello. Bat ka naparito? Nakita mo ba yung blog ko sa dashboard? At wala kang magawa kaya klinick mo to? Naasar ka sa URL ko? O baka naman sadyang malakas lang ang trip mo? Other reason? Submit here!
Para-paraan lang yan. HAHAHA. Pero kung ano man ang rason kung bat ka napadpad dito, welcome sa palarong pambata! blog ko! Kelangan may emphasis yung 'ko' para mas feel ko. At dahil nagfi-feeling na rin naman ako, MAGANDA AKO. At dahil MAGANDA AKO, may lovelife ako. Oha. Panis.

Gumagawa ng themes. Nasa itaas ang pagpipilian. Itutok ang mouse sa karumal-dumal na larawan.
Personalized theme for P25? Click Here!

CHAPTER 9.5

————

12:00nn

Sa wakas! After 5 hours of endless torture natapos na din ang exam… for this day. EPAL. Dalawang araw pa ang lalafangin bago magpabanjing-banjing nalang!

Kinuha ko na lahat ng natitira pang libro and notebooks ko sa locker at nilagay naman doon yung libro ko sa Chem, AP, Geometry at TD. Si Amanda lang ang kasabay kong uuwi. May meeting pa kasi sina Darwin at Sandro. Mga photojournalist kasi sila para sa school newspaper. Sila na!

Umakyat kami ng kabilang bldg bago lumabas ng school para mag-CR. Mas malinis daw kasi yung CR dito kaysa sa CR ng bldg namin. Suuus! If I know, nakatambay lang kasi si Aaron sa labas ng classroom. Palusot pa e!

(a/n: BTW, magkaklase ngayon sila Aaron at Christian)

Hinintay ko si Amanda sa labas ng banyo. I got bored, so binasa ko nalang yung rules and regulations in using the restroom. Pamplaipas oras ba. XD

“Conserve water.

Two. Flush the toilet after use.

Three. Do not thr-“

“Hi Ate!” pagtingin ko sa likod ko, yung mga kaibigan ni Christian ang tumambad sa akin. Yung Ned and friends.

“P-po?” I flashed my what’s-yo-problem-huh-homie facial expression to them. Guguluhin na naman ba nila ang isip ko?! Lokang-loka na nga ako e!

“Si Dee oh!” sabay turo kay Christian na biglang umiwas ng tingin.

Halaa. Kinakabahan ako. Di kaya…. Alam na nila na crush ko si Christian?! OMG FCK NO PLEEEEAAASSSEEEE!

“Dee! Lika dito!”

“Hoy! Ano ba! Tae kayo! Diba magdodota pa tayo?”

“Maya na! Halika muna dito!”

Palapit na siya ng palapit sa kinatatayuan namin. At naghihiyawan naman yung mga kaibigan niya. ANO BA TO?!! O JUSKO!! Malabo man ang mga mata ko pero kitang-kita ko yung mukha niyang di maipinta. Parang nahihiya na naiinis na natatawa! Basta ganun!!

Eh kung siya nga ganun na ako pa kaya diba?!

PINAGPAPAWISAN NA NAMAN AKO. DI AKO MAKAGALAW! NANLALAMIG NA MAY HALONG INIT YUNG NARARAMDAMAN KO!! Pero nakatingin ako sa kanya.. nakakatingin ako ng tuwid sa kanya… di ko maalis yung titig ko.. Imbes na di ko siya matitigan diba?!

Pero siya.. siya ang hindi makatingin. Hindi makatingin ng diretso. Diretso sa mga mata ko. Nahihiya ba siya?! Naiilang? Naiinis? Ano?!

Dugdug. Dugdug.

READ THIS ON WATTPAD: http://www.wattpad.com/3483192-story-of-us

(Source: j.gs)

  1. kamukhamosikingkong posted this