Maligo ka na.
Shane | Enero 19 | Manila
Hello. Bat ka naparito? Nakita mo ba yung blog ko sa dashboard? At wala kang magawa kaya klinick mo to? Naasar ka sa URL ko? O baka naman sadyang malakas lang ang trip mo? Other reason? Submit here!
Para-paraan lang yan. HAHAHA. Pero kung ano man ang rason kung bat ka napadpad dito, welcome sa palarong pambata! blog ko! Kelangan may emphasis yung 'ko' para mas feel ko. At dahil nagfi-feeling na rin naman ako, MAGANDA AKO. At dahil MAGANDA AKO, may lovelife ako. Oha. Panis.

Gumagawa ng themes. Nasa itaas ang pagpipilian. Itutok ang mouse sa karumal-dumal na larawan.
Personalized theme for P25? Click Here!

CHAPTER 11 - 11.5

(Trisha’s POV)

6:10am.

My alarm is always jealous about my relationship with the bed. Crap. I need sleep. Masyado akong nag-isip ng kung anu-ano kagabe. Gusto kong mainis pero, hinde e. Nangingibabaw yung kilig ko. At yung paghahalungkat ko ng sagot sa tanong ko na:

Bakit siya ganito?

Okay. Di na ako magpapa-bebe pa. I can feel it. I am feeling it. There’s really a spark between us. Well, di naman ganun kalakas. And feel ko lang naman. I don’t want to jump onto conclusions agad.

Ikaw, pag nasa sitwasiyon kita ngayon, anong mahihinuha mo? Ganito rin ba? Happy? Confused? Haay. Diba?! Lord! Help mee! Isa nalang talagang kilig moment mag-eexpect na ako!

——

Second day of Periodical Test. Isang araw nalang! Please, Lord! Please make it fast!

SCHEDULE OF TEST

7:00 - 8:20 = Geometry

8:20 - 9:20 = Filipino

9:20 - 10:00 = Break

10:00 - 11:20 = CALS

11:20 - 12:00 = Mapeh

Wow. Unang test palang pamatay na! Gravee. Sana ma-unleash ule yung super powers ko. Pero parang malabo. Medyo BV eh.

Almost sabay kaming pumasok ni Amanda. Mas maaga nga lang siya ng kaunti. Mga 2 minutes. Di ko siya pinapansin. Di naman talaga ako galit.. It’s just that.. Nakakapanghinayang yung moment you know?!!! DAFUUQQQ! Ayaw ko na ngang isipin! Mamaya ayos naman na kami niyan e. Tsaka di rin naman kasalanan ni Amanda kung emergency talaga yun. Kung ako rin naman siguro matataranta e. And kita naman sakanya yesterday na tarantang-taranta siya, di niya nga napansin sila Christian dun e! TARANTAda nga :)))

CHAPTER 11.5

(Christian’s POV)

“Hi

Girl, you just caught my eye

thought I should give it a try

and get your name and your number

go grab some lunch and eat some cucumbers

WHY, DID I SAY THAT?

I don’t know why.

But you’re smilin’ and it’s something’ I like

On your face, yeah it suits you

Girl, we connect like we have bluetooth…

Lechugas! Di ako makaconcentrate! Nabobo ata ako? Paulit-ulit ko nang binabasa tong question # 17 sa Geomentry pero di napoproseso ng utak ko e!! Taena. Ano ba tong nangyayari sa kin?! AAAARRRRGGGHHH! 30 minutes nalang! Wala pa ako sa kalahati! Tanginis naman oh! Bat ba kasi tuwing nag-iisip ako…

Si Trisha ang nakikita ko?

“I don’t know why i’m drawn to you

Could you be the other one so we’d equal two?

And this is all based on a lucky chance

that you would rather add then subtract…”

Yung mga mata niya, kahit di ako diretsong makatingin.. ramdam ko. Ramdam ko yung init ng tingin niya sa kin.. Gusto kong huminto sa paglalakad nung mga oras na yun pero hindi ko magawa.. parang…. gusto ko siyang lapitan at sabihin ang tunay na nararamdaman ko..

Eto na ba ang tamang panahon?

Eto na ba ang tamang oras ko?

Para.. para sabihin sa kanya na…

Mahal ko siya?

NOW PLAYING - PATUNAYAN BY SILENT SANCTUARY

“Papatunayan ko na ako lang sa’yo

Hinubog mong buhay ko ng pag-ibig mo

Mamahalin kita, sa puso ko nandyan ka

Maiintindihan mo rin ako…”

TIME LEFT: 10 MINUTES

Uy shett! Ano na?! Tae 33 items pa ang sasagutan ko! SHIT!! Hula mode na nga lang! Amp!! Kasalanan to ni Trisha eh! Bastos! Nagsosolver ako dito tapos…

Papasok siya sa isip ko?!

At di pa nakuntento, pumunta pa sa puso?

———

12:00

Uwian na! Wala kaming laro ngayon. Tumanggi ako sa unang pagkakataon. Hehe. Baka mabobo ako e. Kutyain pa nila ako.

Ewan. Eh si Trisha?

Paano ko ba ipapaliwanag sakanya yung nangyari kahapon? Ipapaliwanag ko pa nga ba? Kakausapin ko ba? Kakausapin nga ba niya ako? Personal ba? O sa chat nalang? AAARRRGGHH! Asar naman oh! TRISHA KA NG TRISHA E! UWI KA NA KAYA?! -___-

Nang makarating na ako sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at nag-isip isip. Paano ko ba to ipapaliwanag?! Saan ako magsisimula?! E paano kung wala lang sa kanya? Paano kung sabihin niyang hanggang magkaibigan lang kami? Putres!! Ang hirap naman maging lalake! Bat kasi kailangan sa amin pa ang first move?! At bat pa kasi ako naging torpe?! TSS.

Ah basta. Sasabog na ako e! Kelangan na niya tong malaman. Kailangan ko nang sabihin ang tunay kong nararamdaman. Bahala na kung anong sabihin niya. Masakit man o hinde, tatanggapin ko yun. Handa ako..

Sana.

FB muna pampawala ng stress.

Naka-offline pa pala ako sa chat. I-available na nga!

Chat (107)

Trisha San Pedro - online

SHET! Mas lalo akong kinabahan e! Tss! Dapat di ko na pala inonline! Lintek.

Saglit. Yung plano… ano nga ba? Personal? Eh!! Di ko pa kaya.. sorry trisha. Di ko magagawa pag personal e. Baka magtitigan lang tayo dun..

Dito na nga lang sa chat! Bahala na!

(Source: kamukhamosikingkong)