Maligo ka na.
Shane | Enero 19 | Manila
Hello. Bat ka naparito? Nakita mo ba yung blog ko sa dashboard? At wala kang magawa kaya klinick mo to? Naasar ka sa URL ko? O baka naman sadyang malakas lang ang trip mo? Other reason? Submit here!
Para-paraan lang yan. HAHAHA. Pero kung ano man ang rason kung bat ka napadpad dito, welcome sa palarong pambata! blog ko! Kelangan may emphasis yung 'ko' para mas feel ko. At dahil nagfi-feeling na rin naman ako, MAGANDA AKO. At dahil MAGANDA AKO, may lovelife ako. Oha. Panis.

Gumagawa ng themes. Nasa itaas ang pagpipilian. Itutok ang mouse sa karumal-dumal na larawan.
Personalized theme for P25? Click Here!

CHAPTER 12.5

(Christian’s POV)

6:44am

LAST DAY OF EXAMS.

Imbes na good vibes ako dahil mamaya tapos na ang P.T. e napuputragis pa ako kakaisip sa pinag-usapan namin kahapon.

EPIC. FAIL.

Tngina lang! Di ko nasabi yung dapat kong sabihin e! PLANONG PALPAK!! TORPE MO TALAGA CHRISTIAN! AMP!!

“okay lang yun :D”

SHET! BOPOLS! Bakit yun pa sinabi ko?! Antagal-tagal kong nag-isip tapos yan pa?! Yan pa ang nasabi ko?! AAAHHHH! Di naman talaga okay yun e! Napahiya ako nun! Palapit na ako tapos…. ganun?!

“AAAHHHH! EPAL!” nabalibag ko yung libro ko sa upuan ng di sinasadya.

Sa totoo lang, kinabahan ako nung nagtatype na siya pagkatapos kong sabihin yun e. Tae. Itatanong na niya kaya kung bat ako ganito? Ano naman isasagot ko?!

-Trisha is typing-

Shet. Ayan na..

Nang biglang

.

.

.

.

.

Trisha is offline, but you can still send her a message.

WHAT THE FCK?! Nina-9GAG ako ng FB e! Akala ko naman totoong nagtatype na„ BWISET!

(a/n: e kasi naman Christian tama ka!)

“Huy! Ano na naman bang pinuputak ng butchi mo jan?! Kanina ka pa naiinis ah!” sabi ni Aaron.

“H-ha? Wala lang.. M-may hinahanap lang.. ako.”

“Eto ba hinahanap mo?” pagtingin namin ni Aaron, nakatayo sa likod namin si Avril na hawak-hawak ang dogtag ko. Luhh? San niya nakuha yun?! Pero sige.. makikiride nalang ao para mapaniwala ko tong si Aaron.

“Ah oo! Yan nga! Salamat.”

“Sure.” tapos umupo siya sa tabi ko. Bale [Avril-Ako-Aaron]

Back to business na si Aaron. Mukhang epektibo nga. Jujuju.

Ay. Si Avril Zuniga nga pala. Yung muse ng class namin. At oo, ako yung escort. Tsk! Di naman kagandahan pero bakit siya pa?! (ansama ko) Buti sana kung crush ko pa to eh. Eh hindi na? :DDD

Oh bat nga pala to nandito? Didikit-dikit nanaman to sakin? Para ano, mangutang? Magpacute? Tapos pagtitripan ko? Aasarin, tas mapipikon siya? Magagalit? Mang-iirap? Ako naman si tanga magsosorry? Tapos bati ule? Didikit na naman?! SUS! Nakakasawa! Nakakahalata na ko ah.

Joke. Kapal ko.

*krrrrrrrrrriiiiiiiiinnnnnnnngggggggggg!*

“Huy balik ka na sa upuan mo.”

“Maay na! Mainet dun e!” sabay belat sa kin. Yung pacute. Tsk.

“Sus. Mas mainet dito. Hot ako e.”

“Che!” ayan na naman siya sa mga pa-irap irap niya. Parang epileptik! Nangingisay.

7:05 am. Dumating na yung adviser namin. At hawak na niya yung mga test questionnaires at answer sheets. Tae. Kabado ako. Wala na yung mga inaral ko dahil kay…

EWAN!

“Class, 39 lang ang questionnaires na meron ako ngayon. So, kung sino man yung di mabibigyan maki-share nalang sa seatmate okay? Get one and pass.”

Malas ng wala! HAAH! Inumpisahan na ng adviser naming idistribute yung questionnaires at answer sheets. At dahil si Aaron ang pinakahuli sa row namin, siya ang walang questionnaire >:P

“Pare! Share naman tayo!: bulong sa kin ni Aaron.

“Wag na! O eto nalang sayo.” inabot ni Avril yung questionnaire niya kay Aaron.

“Wag mong sabihing makikishare ka sakin?” sabi ko sakanya.

“Syempre! Dont be selfish! Tsaka kawawa naman si Aaron, or baka magkopyahan pa kayo e.”

Wala. No choice. Babae to e. Ako ata yung malas. Kainis to! Mga diskarte nga naman niya!

(Source: kamukhamosikingkong)

  1. walangkwentangemosiyon reblogged this from kamukhamosikingkong and added:
    READ THIS ON WATTPAD: http://www.wattpad.com/3483192-story-of-us
  2. kamukhamosikingkong posted this