CHAPTER 13
(Aaron’s POV)
11:26 am.
Haayeess! Tapos na din ako sa lahat! Hmm. Mukhang kaunti palang kaming tapos na ha. Pinasa ko na yung questionnaire at answer sheet ko. Bahala na sa resulta!
(Matapos ang ilang minuto)
Halos lahat kami naghahanda na para makauwi maliban nalang sa dalawang katabi ko..
Sina Avril at Christian.
Sabagay.. share sila e! Kaya matatagalan talaga. Buti nalang inoffer sa kin ni Avril yung test questionnaire niya ^__^
Lumabas ako ng classroom para mag-CR. Sasabog na pantog ko e!
….
tic-toc-tic-toc
….
Success! Pagkalabas ng banyo, nakita ko si Amanda palabas na din ng CR. Oh, bakit dito siya nakibanyo? Basta! Di na mahalaga yun! At least nga nakita ko pa diba? Nakasabay pa! Hehe.
Pagkabalik ko ng room, ayun! Tapos na din yung dalawa. Ganun na ba katagal manghula ngayon?
Umupo na ko sa upuan ko. May sasabihin pa ako kay Christian e! Kaya ako nagka-POV dito. Woohh saya :D
“Uy, Dee!” lumingon siya sabay kamot ng ulo. Nakilingon din si Avril. DO YOU MIND?! XD
“Bakit?”
“Nakita mo si Trisha kanina?”
Napansin kong tumaas yung kilay ni Avril. Wow.
“Ah.. oo…” mga dalawang segundo pa bago nakasagot.
“Nakita mo yung mukha niya kanina nung nakatingin siya dito?”
Bago pa man makasagot si Christian, tumingin ako ng seryoso kay Avril. YUN! Bumalik na siya sa upuan niya! Nagets niya din yung pamatay kong tingin ha =D
“H..ha?”
“TSK! Mukhasim pre! Yung nag-aasaran kayo ni Avril kanina, ang sama ng tingin niya! Halimaw! Parang nagseselos.”
Ayan nanaman siya sa mga mata niyang nakangiti. Sinabi ko lang na nagselos e! Paniwala naman agad.
“S-sus!”
“Pramis! Nasungitan niya pa nga si Ma’am Cado e!” HHAHHAHA! Yun yung parte na natawa ako kanina eh! ASTIG! HAHAHAH! XD
“Sige.. sabi mo e.” napatulala ata si Christian? Tinamaan na naman ng pana ni Kupido. Makaalis na nga! Maabutan ko pa si Am…. hehe :D
—-
(CHRISTIAN’S POV)
YES! PETIKS MODE! Tapos na talaga ang exam! WOHOO! Next week wala pa masyadong gagawin! Uso nanaman ang item analysis at pagchecheck ng papel -.-
Gaano man ako kasaya ngayon, bumabagabag pa rin sa akin yung sinabi ni Aaron kanina. Mukhang tama siya e. HINDI YUNG SELOS PART HA!! Yung… yung galit siya sakin. Inirapan niya pa ako kanina. Tsaka ramdam ko e.
WEH?
Niyaya ako ni Xavier para magdota. Tutal last day naman, pumayag ako. Bat naman ako tatanggi diba? Pahinga na din ng utak to! 6 hours sa pc shop.. sakit sa bulsa!
First game talo. Tsk. Naiisip ko parin kasi yun e! Tae. Okay. Concentrate na. Isipin ko nalang nandito si Trisha… moral support! :))
Ayun. Nakabawi din. Epektibo! :D
HAHA! Sa uulitin, panalo nanaman. Woohoo!
Pahinga muna kami saglet. Nagbukas ako ng FB. OL si Trisha.
Kakausapin ko na talaga to.
“hoy :)” wow Christian napakaganda ng sinabi mo.
“Oh?”
“Wala lang.”
“Ah okay.”
AW. Para akong sinuntok dun ah. Nabadtrip tuloy ako. Itatanong ko ba kung galit siya? Bahala na ulet!
“Tsk! Taray ha!”
…
..
Antagal niyang magreply. Galit talaga to.
“Di naman.”
Sabi na e. May ‘naman’ pa oh. Kelangan ko pa bang mag-sorry? Wag na nga! BT!
*GO OFFLINE*
Late game. Ayun. Talo nanaman. Boset. De-uling PC dito e.
(a/n: SUS CHRISTIAN! BT KA LANG DAHIL SA ASTA NG NAGSESELOS NA SI TRISHA!)
“Pugo ka na Chris! Uwi na tayo! HAHAH!” Lintek. Ngayon lang ako natalo nila Xavier. Tsk.
5:36pm
Tapos na ang 6 hours namin dito sa pc shop. Uuwi na ko. Di na ako sasama sa kanilang gagala pa.
(Source: kamukhamosikingkong)