full screen background image
Sana ganyan den ako kasaya ngayon.

Kasaya lang. Hindi kayagit. O kabaliw.

Kakauwi lang namin. Pagud-paguran. Bonding nanaman kami ng chlorine. Grabe. Ansakit ng ulo ko. Hindi ko talaga alam yung pinagagagawa ko kagabi simula nung ano. Ganto kase :))

Overnight nga kase sa resort diba. 11pm lumabas ako kasama ko yung 2 kong pinsan tapos yung mga naging kaibigan ko naden. Shempre pag birthday, di mawawalan ng inuman. Eh parang yung tito namin lasing na. Wala na sa ulirat kaya tinigil na nung mga nag-iinuman. Tas may natira pang isang bote ng Empi light na hindi nagamit. Tas nilaro laro ng mga kasama ko yun pag-alis ng mga nag-iinuman. Pinapanood ko lang sila. Nandun ako, katabi ko silang nakaupo. Tapos tawanan kami. Ganto ganyan. Hanggang sa tinotoo nila. Hala, sige. Bili sila ng chaser pati chibog na Tortillos at Chippy. HAHA. Shempre sa una yung chibog lang yung nilantakan ko. Eh nagkaroon ng dare. Hindi naman sa walang choice pero shempre ayoko namang masabihan ng KJ. Okay. Edi uminom ako. Konti. Konti ba? Medyo. Sige marami rami. Ng konti. Marami-rami ng konti. Ayos na ba yun? HAHAHA. Basta. Inisip ko nalang na um-oo ako kasi baka sakaling matamaan ako at makatulog na sa wakas. Pero hindi. Ang daldal ko pala pag tinamaan. Tas hindi mo pala yun mamamalayan. Feeling mo ineenjoy mo yung ginagawa mo. Ayoko nang maulit yun. Hay grabe. Ayokong maging lasinggera -____-

Eto. Natatandaan ko namang ginawa ko yan. Pero ngayong matino-tino na ko narealize ko, “Bakit ko prinintscreen yan?” TAE. Tae talaga :))) Pero okay na yan. Nakapost na e. Remembrance na den kahit papano. HAHAHA. Mga 5 na nga kami natulog niyang kaibigan kong yan e. Ginugulo ko kasi. TInatawagan ko sa Viber para di makatulog. WAHHAHA. Haist. Bukas alis nanaman. Panigurado ako may pantoma nanaman sila. Shempre iiwas na ko. Goodgirl to erp. XD